BV, nawawala yung view grades link sa MLS account ko. :| di ko tuloy makita ang mga grades ko. Nawawala din yung consulation link sa MLS, pano ko malalaman kung anong oras consultation dun sa ibang subjects ko. :|
Isa pa, bakit ganun, tuwing may gusto siyang parang iparinig sakin or gusto niya na gawin ko ulit sa kanya, nawrowrong send siya sakin. tipong para sa iba yung text niya tapos masesend sakin, tapos pag binati ko na nawrong send siya, mashoshock siya at magsosorry. parang ewan lang. as in always always yan.. never failed.. :| ngayon tuloy naiisip ko na sinasadya niya eh.. eh kung gusto lang naman niya sabihin sakin yun edi sabihin niya di yung kungyari para sa iba yung text pero para sakin din naman, mas maaappreciate ko pa yun eh kaysa sa ganyan..
Ewan ba.. di ko alam kung sinong malabo eh.. kung ako ba o siya o parehas kami.. like kanina may sinabi siya sakin about a friend niya na nahingi ng number ko tapos tinanong niya ako kung ibibigay daw, sabi ko sa kanya siya bahala, tapos sabi niya sakin number ko yun kaya bakit siya bahala, tapos sabi ko edi ibigay mo, tapos sabi niya liligawan ka niyan, edi sabi ko wag na, tapos biglang sabi niya kailangan daw namin magusap. ewan.. lagi na lang ganyan.. medyo nakakainis ah..
eh kung gawin ko kaya sa kanya lahat yan magustuhan niya kaya yung mararamdaman niya? ay ewan.. nakakaluto na eh.. nakakaubos ng pasensya dahil paulit ulit. :| hay.. :(
ewan..maybe im just not so blinded anymore like before.. maybe im just starting to realize more of the things that i never realized or became aware of before.. maybe im just reaching that point wherein i can almost see the whole picture without anymore biases, prejudices and blindness. and the sad part is maybe i'm the only one between the two of us experiencing this. :( and thats where it would be hard. kasi hindi niya maiintindihan where i'm coming from.:( that is also the sad part here. kasi ito yung mga moments na parang make it or break it.. na tipong crucial talaga. and well. eto nanaman ako sa walang malapitan, kasi walang may alam. :| unlike siya na ang dami niyang nalalapitan.. ako.. itong blog lang na ito, yung mga dingding, unan ko, yung ulap, yung Diyos ko... ewan. di ko naman marinig mga payo nila.. di naman nila ako mayakap o makausap na parang taong nasa tabi ko lang. :( ang hirap ng ganito..pero parang di niya maintindihan ng lubusan. :(( bakit ganun? ang hirap bang intindihin? siguro nga... sana dumating ang araw na maintindihan niya din ako ng buong buo gaya ng sinusubukan kong gawin para sa kanya. at sana pa dumating ang araw na iyon di pa huli ang lahat.
hay.. sige.. tulog na ako.. papasok pa ako sa office bukas. :| goodnight.